-rebellious-

hopeless romantic
daydreamer
music lover
beer drinker
poem writer
novelist to be
.
.
.
.
simply me

Ang Pagbabalik nina Peter Pan at Tink. :)

“Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.” - The Mistress

Meron lang talagang mga bagay na kahit gusto mong makuha, hindi talaga pwede. Either hindi talaga kayo itinadhana ng universe para sa isa’t isa, hindi talaga kayo ang inilaan ni Lord para sa isa’t isa, o hindi talaga. PERIOD dun. 

Merong mga bagay na di dapat ipilit. Kasi kung kayo naman, kayo talaga. Walang pilitan, walang komplikasyon, basta ganun na lang. Magiging kayo kung kayo nga talaga. 

Naalala ko lang ulit si Peter Pan at si Tinkerbell. 

Si TINK ANG ULTIMATE FRIENDZONED character sa buong mundo! hahahahaha! 

Kung susulat siguro sya kay Ramon Bautista, panalo na sya ng 5 tshirts agad! 

Balikan nyo ulit ang kwento nila pero mag-focus kayo sa role ni Tink. 

Palagi silang nagkikita ni Peter, magkasama, magkakwentuhan. Halos lahat ng bagay ginagawa nila ng magkasama. Babae si Tink. Lalaki si Peter. “Why not? Chocnot?” diba? 

Pero si Peter kasi palipad lipad, malaya, iba’t iba ang gustong gawin sa buhay nya. Si Tink, supportive sa  mga gusto ni Peter, inaalagaan sya, sinisiguradong okay lang sya. At some point, makikita naman ng lahat na in-love si Tink kay Peter. Pero iba talaga ang gusto ni Peter. May Tiger Lily, at lalo na, may Wendy. 

Abangers pa rin si Tink pero at some point, marerealize nyang hindi talaga. HINDI TALAGA SILA NI PETER. (sniff sniff)

Pipilitin na makuha ang gusto pero mauuwi sa wala, sa sakit ng puso at sa iyakan. 

Hanggang sa suko na. Tama na. Kasi hindi naman talaga para sa isa’t isa. 

Okay naman yung ganun sila. Magkasama araw araw. Magkakwentuhan. Mag-kaibigan. Pero hindi magka-ibigan. Tama na yung ganun, makuntento na lang sa kung anong mayroon. 

Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. Hindi lahat ng gusto mo, para sa’yo. 

Dito pumapasok yung wag kang manguna sa Diyos. Sya ang may alam kung sinong para sayo at sinong hindi. Intay lang. Kung hindi sya, may iba. Kung sya, hindi ngayon. Kung sya, ayusin mo na sarili mo para maging okay kayo. Pero wag ipilit. May sariling panahon ang Diyos para sa lablayp mo. 

Hindi ko alam kung anong tunay na ending ng buhay pag-ibig ni Tink at ni Peter. Nakahanap ba si Peter ng katuluyan nya? Si Tink kaya? Nakamove on kaya sya? Natanggap kaya nyang friends lang talaga sila? o sya ang Ultimate Friendzonee? o sa alternate universe, nagmilagro ulit ang Diyos at naging sila nga? 

Anuman, sila na lang ang may alam…

Pero sana masaya sila. 

Palagay ko naman masaya sila. :)

naxcissique:

My personal way of moving on from the fact that Ted and Robin of HIMYM will never be together. Check out the high-res version!
After you do, please reblog away, guys. Reblog away.

naxcissique:

My personal way of moving on from the fact that Ted and Robin of HIMYM will never be together. Check out the high-res version!

After you do, please reblog away, guys. Reblog away.

i feel the same thing… but i have to endure this! XD

i feel the same thing… but i have to endure this! XD

(Source: , via girlwhohadbraces)